January 30, 2008
January 20, 2008
MT. MAKILING
Los Baños, Laguna (January 19-20, 2008)
This is the secret climb ng Kamandag to join AMG. At around 2PM I arrived at Metropolis. Syempre informed ko rin si Albert na maaga dumating para di nakakahiya. Sad to say sa Jollibee near Festival Mall yung meeting place. So, dahil gutom na ako kumain muna ako sa Jollibee, Metropolis. Pagdating ko ng Jollibee, Alabang. Wala pa miski isa ang nandun. Kaya pumwesto na ako para mag-antay. Maya-maya pa ay dumating na sina Jane, Juvy and Abby. At sunod-sunod na silang nagsidatingan. Almost 25 kami lahat-lahat kaya medyo malaki ang grupo. Halos mag-aalas tres na kami nakaalis ng Alabang. Muntik pang magkahiwa-hiwalay na bus dahil mahirap sumakay. Buti na lang ay may dumating na maluwang na bus. Si Jonas ay nauna na sa amin dala ang motor nya. Sabi nya ang lakas daw ng ulan. Kaya halos alas-kwatro pasado na kami nakarating sa Los Baños. Medyo umuulan-ulan pa nun. Kaya nahirapan kami maghanap ng jeep na maghahatid sa amin sa UP Forestry. Mag-aalas sais na kami nakarating sa jump-off. Doon na rin namin na meet si Jonas. Walang tao sa registration kaya ni-list na lang namin ang mga pangalan namin para iwan sa guard house. Nag-ayos na kami at miski ayaw ng bundok na umakyat kami sa lakas ng ulan ay tumuloy kami. Dinala na ni Jonas ang motor nya papaakyat hangang sa tindahan dahil wala siyang mapag-iiwanan at mapagparadahan. Sa aming pag-lalakad ay dahan-dahan nang humihina ang ulan. Sa aming pagtahak sa daan papaakyat ay may narinig kaming motor na paprating. Isa palang locals sa lugar. Pina-alalahan na lang kami na mag-ingat at lalong lalo na sa holdaper. Makalipas ang mahigit isang oras ay narating na namin ang tindahan. Nandun na rin si Jonas. Kami ay nakisilong sa tindahan dahil bigla na namang bumuhos ang ulan. Kinausap kami ng may-ari ng tindahan at sinabihan kami na wag nang ipagpatuloy ang pag-akyat hangang sa tuktok. Sa kadahilanang delikado at maulan pa at di pa kami nakapag-register sa ibaba. Kaya't nagpasya kami na di na rin tumuloy at halos alas-otso na ng gabi. Sinamahan kami ni Manong kung saan pwede kaming mag-camp. Sa isang basketball kami napadpad... hehe! Kakainsulto ngunit wala namang magagawa hehe! Isa-isa na kaming humanap ng pwesto at nag-pitch ng tent. Nagluto na rin kami at gutom na ang karamihan. Habang hinihintay maluto ang pagkain ay picture-picture si Zaira. Nang bigla na lang may napansin si Zaira sa picture. Alanganing buwan o moist sa nakuha nya. Isang bilog na bilog na ilaw sa pagitan ng ulap at lupa. Kaya inulit nya ito at wala na syang nakunan. Hindi na rin namin pinansin masyado dahil alam naman naming miski saan ay merong ganun. Nang makakain ay syempre ang pinakakahintay ng lahat ang socials. Kaya lang kwatro kantos lang ang iinumin namin ngayon kasi nakalimutan nang bumili at sa tindahan na lang kami nakakuha... Hehe! Talo-talo na to... Napag-usapan na rin namin kung aasault pa kami papa-akyat. Napagkasunduan na akyat na lang yung mga gusto yung ayaw maiwan. At iiwan na rin namin yung mga backpack sa tindahan para mabilis lang kami. Nagpasya na kami na matulog. Sa aking pagtulog ay maya-maya pa ay tila tulog ako pero gising ang aking isipan. Miski nakapikit ang aking mga mata ay may liwanag akong nakikita sa labas ng tent. Parang flashlight na dilaw na pagala-gala at iniilawan ang mga tent namin. Maya-maya pa ay nanaginip ako na may sumilip sa ibabaw ng tent namin na ranger. Nakita ang dagger ko at sinita kami at tinanong. Tas umalis na sila. Maya-maya pa ay may naramdaman akong bumubuhat sa tent namin at nagising na lang ako na ginigising ako ni Albert at binabangungot ako. Umayos ako ng higa at doon na ako nakatulog. Maya-maya pa ay nagising na rin ako sa alarm ng cellphone ko. Naghanda na kami ng pang-agahan at nagkwento si Sir Mike. Na hindi raw sya nakatulog dahil nasisilaw siya at may paikot-ikot na ilaw sa tent nila. Sabi ko parehas tayo ng nakita sir. Marahil yun yung nakita naming ilaw sa nakunan ni Zaira. Nang matapos sa agahan ay nagligpit na kami ng tent at tumungo na kami sa tindahan upang iwan ang aming mga backpacks. Hindi na masyado maulan kaya nagpasya na kami na tumuloy. May sumama pa sa aming photographer. Si Sir Butch, wala sana syang balak mag summit pero nainganyo dahil sa amin. Halos alas-nueve na nang kami ay Mag-umpisa. Sa umpisa ay nasa lead group ako. Nang mapansin ko na wala akong maka-usap ay nagpasya ako na sa Sweep group na lang ako mag-stay. Kasama ko sa Sweep group sila Albert, BG, Meo at Lyne. Mabilis ang paglakad namin. Nang dumating kami sa kasukalan ng gubat ay nagpahid na kami ng shampoo at sabon sa aming katawan at braso para sa mga "limatik". Sa aming paglalakad ay iniintay ng bawat isa na may makita o maramdaman ang limatik sa aming mga balat. Nang may makitang limatik ay maririnig na lamang ang tilian ng kababaihan... Miski ako ay nanakbo nang makita ko yung limatik. Nang medyo mahaba-haba na ang nalakad namin ay di na rin ako nandiri sa limatik. Naisip-isip ko na di ko naman ikamamatay ang pagsipsip nila sakin ng dugo. Nang marating namin ang station 15 ay mahaba na ang aming nilakad. Kada istasyon ay halos kilometro ang aming nilalakad. Kaya't nang dumating kami sa station 20 ay pinaradyo ko sila Robert at Sir Roy. Pinahinto ko sila upang mapag-usapan kung magpapatuloy kami. Alanganin na kasi alas-dose na at walang dalang headlamp ang iba at mga supplies. Kaya pinagpasyahan na naming wag nang tumuloy. Iniscout nila Jonas ang trail hanggang Station 22. Mahamog na rin at baka abutin pa kami ng dilim. May iba pa namang pagkakataon at marahil ay ayaw talaga kaming paakyatin ni Maria. Mabilis naming binagtas ang pagbalik upang umabot sa "Mud Spring". Doon na lang nagpicturan kami at nagbanlaw ng mga maputik at duguan naming paa dahil sa limatik. Good to say isa lang ang nagi kong kagat. Nang nagpipicturan kami sa "Mud Spring" ay may nakuha din si Albert ng katulad nang nakuhanan ni Zaira. Nang makarating kami sa tindahan ay nagbanlaw ulit kami dahil napuno muli ng putik ang aming paa pabalik. Umarkila na kami ng jeep upang ihatid kami sa sakayan ng bus. This is the first mountain I failed to reached the summit. Sabi ko sa sarili ko. Ako'y magbabalik para maabot ang summit ng Makiling... Hanggang sa susunod...
Labels:
mountaineering
January 08, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)




