November 18, 2007

MT. MANALMON

San Miguel, Bulacan (November 17-18, 2007)

After months of waiting. Sa wakas maka-joined na naman ako sa cllimb ng AMG plus Kawangis... Di ba astig?! At around 2 PM nagkita kami ni BG sa Jollibee Philtranco para sabay na kami pumunta sa assembly point sa Baliwag Terminal sa Cubao. So, at around 3PM ay nandun na kami. Kaya tinext ko na si Albert para mainform na nasa Baliwag na kami. Sabi ni BG ay nandun na si Sir Roy sabi ni Zaira. Kaya hinanap namin si Sir Roy. Maya-maa pa ay nakita na namin si Sir Roy. Maya-maya pa ay dumatin an rin si Albert kasama ang kapatid nyang si Alfie. At isa-isa na rin kaming nakumpleto. Maliban kay Annie. Inantay namin si Annie at halos mag aalas-sais na nang dumating si Annie. Kaya nang nasa bus na kami ay si Annie ang laging topic. Kada hirit ay barado si Annie (ang banat nsa kanya ay na-late kasi si Annie hehe!). Habang kami ay nakasakay sa bus ay nag-salang ang kundoktor ng mapapanood. Parang sinasadya at related sa mountaineers ang sinalang na pelikula. "Turistas" ang sinalang na vcd. If don't know the movie. We'll here's the brief plot from Yahoo.
"Brazil. Beautiful women, pristine beaches, a friendly, open culture. Alex is accompanying his sister Bea and her best friend Amy for their first time abroad--young Americans who have come to exotic Brazil for fun, adventure and the promise of foreign pleasures. On a rickety bus rocketing up a twisting mountain road, they meet the beautiful Pru, who speaks the native language Portuguese, and Finn and Liam, in Brazil for the sole purpose of experiencing the beautiful Brazilian women they've heard so much about first hand. After enduring a harrowing bus crash which strands them in what seems to be the middle of nowhere, Alex, Bea, and their band of traveling companions attempt to salvage their day by seeking out a cabana bar on a nearby beach rather than wait an endless amount of time for the next bus to come by. The discovery of the beautiful and secluded beach gives way to a day in the sun and surf, an afternoon at the bar, and a night of exotic liquors and hot dancing with the locals. It's everything their vacation is supposed to be, until they wake up face down in the sand the following morning, drugged and robbed, their possessions gone, and the trace of very real danger in the air. The farther the group travels into this mysterious and isolated Brazilian community, the further they are from the possibility of escape--and the closer they come to the dark secret that waits for them in the lush jungle and underground caverns of the Brazilian jungle, and they must fight a primal battle for their lives in the most terrifying of all human traps."
Di ba parang sinasadya... Grabe excessive vioelence pa naman. Try nyo panoorin para malaman nyo... Syempre miski paano kinabahan ako He! he!. Pagdating namin sa Brgy. Kamais, San Miguel ay kumuha na kami ng tricycle. 6 yatang tricycle kami. Sumakay na kami ni Albert, Alfie at ako sa tricycle. Putcha! Grabe yung driver ng tricycle namin. Kami yata yung pangalawa sa huling tricycle na umalis ay kami pa yung nauna. As in ang bilis nya magmaneho nakikipagkarera sa kapwa tricycle. Ang dilim pa naman nang daan at maraming curves. Parang naka single sya na motor kung magmaneho siguro pumapalo kami ng nobenta. As in pag sumalpok kami ay malamang yupi-yupi yung tricycle at gutay-gutay ang katawan namin. Inaantay ko na lang nga na may bigla sa aming bumulaga na sasakyan e. Sabi ko nga kay Albert ay mali yata ang lagay namin ng bag. Sa halip na sa likod ay dapat yata ay sa harap na lang namin para may sasanga sa amin miski kaunti. Nakahinga ako ng mahusay nang makarating kami sa parteng taas-baba na ang daan at mabato na. dahil bumagal na rin ang takbo nya. Maya-maya pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula sa Madlum River. Jump-off na at sunod-sunod na dumating ang mga kasama naming tricycle. Doon na lang namin nalaman na di na kami dumaan sa Barangay at tulog na rin ang pinareregisteran. At wala na kaming makuhang guide. Masama pa nito ay biglang bumuhos pa ang ulan kaya nakisilong muna kami sa malapit na bahay at malugod naman nila kaming tinagap at doon na rin kami nag-ayos ng mga gamit habang naghahanap ng guide. Sayang naman kung di kami makaka-akyat. Kaya kinausap namin si kuya kung pwedeng siya na lang ang mag-guide sa amin. Pero tumangi siya at nag-offer na lang na sasamahan kaming para ituro ang daan. Kinuha nito ang kanyang bolo at sinamahan kami. Sa loob-lob ko hindi kaya parang "Turistas" ang mangyari sa amin... Nang makarating sa isang kweba ay tinuro nya na lang kung saan dadaan at pinabayaan na kaming umakyat. Kaya nagpatuloy kami sa pag-climb. Simple lang ang trail. Masama lang ay inulan kami. Kaya may kadulasan ang daan. Nanguna si Christian, Tata (Kawangis) and mga kasama nya. Maya-maya ay may sangang daan kaya nag-scout muna kami kung saan ang daan. Halos alas-dyes na rin nun. Nang malaman ang daan ay umusad na rin kami at maya-maya pa ay huminto sila Christian dahil may nakaharang na kalabaw. At maya-maya pa huminto muli sila dahil di namin sigurado ang daan mabuti pang magcamp na kami at bukas na lang ipagpatuloy sa pag-akyat. Sa tapat ng tatlong malalaking punong mangga kami nag-pitch ng tent. Doon yata mismo nag-shooting ang "Mulawin" kaya medyo pamilyar ang lugar. Medyo baha na ang pag-campan namin kaya kanya-kanyang diskarte. Nang maka-pagpitch na ng tent ay kanya-kanyang luto na at diskarte dahil umuulan. Di na nga ako nagpalit ng damit at nag-paulan na lang. Nang tumila-tila ang ulan ay nag-umpisa na ang iniitay ng lahat... Syempre ang pinaka-masayang parte ang socials. Halos alas-dose na nang magsimula kami mag-socials. Masaya ang naging socials nagpakilala ang bawat isa at kung anong grupo galing... Syempre gusto ko namang may irepresent kami nila Albert na grupo. E tulog na si Alfie kaya di na rin namin ginising kasi sabi ni Albert di umiinom. Kaya nag-decide kami na "Kamandag Mountaineers" na lang kasi doon naman nagshoot ang "Mulawin" at ang bagong show ni "Richard Gutierez" ay "Kamandag". Kulet noh... hehe! At syempre ang tampulan ng asar ay yung late. Si Annie kasi kung magkakataon yun ang first time na di kami naka-Peak. Kaya todo asar si Annie. Habang lumalalim ang madaling-araw ay nalalasing na ang iba. Di ko mabilang kung ilang Generoso ang dala namin... Nang mapagod si Christian sa pagtatagay ay ako na ang humalili. Actually taga tagay lang at iba ang nagbibigay kasi medyo kalakihan ang ikot namin. Ang di ko alam ay kada tagay ko ay kay Annie binibigay ni Robert at Ryan ang baso. Halos 5 sunod-dunod na tagay yata yun. Maya-maya ay ubos na rin ang alak. Kaya kwentuhan at biruan ang namutawi sa amin. So dahil mga naka-inom na ay medyo nabubulabog na namin ang kabundukan. Medyo maingay na. Maya-maya pa ay may narinig kaming parang galit na sigaw ng babae ng dalawang beses. Tila umaalingaw-ngaw sa paligid ng kagubatan. Sabi ng nila ibon lang daw yun. Pero lumiit ang ang ikot namin at bahagyang binawasan ang ingay. Kada lumalakas ang usapan namin ay naririnig namin ang naturang tunog na papalapit ng papalapit. Nagising na nga si Alfie at narinig nya rin daw ang sigaw. Kaya napatingin ako sa aking cellphone at alas-tres na pala ng madaling-araw. Halos anim na beses naming narinig. Kaya hininaan na namin ang gasera at sinabi ko na tone down na tayo at hindi lang tayo ang nasa bundok. Igalang na lang natin kung ano o sino ang nasa bundok. Matulog na yung gustong matulog. Di na rin ako natulog at di na namin narinig ang nasabing tunog. Nang medyo lumiliwanag-liwanag na ay nagyaya na sila Christian na mag-scout. Ako, Albert, BG, Froi, Christian, at Tata. Napadpad kami sa dulo at ilog na muli ang makikita. Kaya bumalik kami at hinanap kung may ibang daan. Nang pabalik na kami sa camp ay nakasalubong namin si Robert na bitbit si Annie na nanakbo kasama sina Ryan at Henry. Akala tuloy namin ay kung ano na ang nangyari kay Annie... Sabi sa amin ni Bert ay gusto daw maligo at lumublob sa ilog. E malakas ang curent. Akala ko tuloy ay kung ano ang sumapi kay Annie. Kaya sinabihan ko sila Bert na wag iwanan. Pero dinala pa rin nila si Annie sa papuntang ilog. Kampante naman ako dahil sumama na si Zaira. Nagpaiwan ako at tinawag ko si Henry. Huminto ako bahagya at humingi ng paumanhin kung may nagambala man kami. Ang nakakatawa nito ay biglang bumahing yung kalabaw at nagulat ako... Hehe... Maya-maya pa ay may dumating na locals. Sa kanya na kami nagtanong kung saan ang daan papuntang peak. Hindi pala talaga makikita dahil dadaan ka sa maliit na agos ng ilog at medyo tago. Kaya umakyat na ang iba at sumunod na rin kami pagkatapos humigop ng mami. Si Annie ay natauhan na rin. Kaya iniwan na lang namin ang mga tent at hinabilin na rin kay manong dahil may malapit n akubo siya doon at tanaw din naman sa tuktok ang campsite. May na meet din kami na guide sa tuktok at maya-maya pa ay bumaba na rin kami. Pagkatapos ay kumain na kami ng pananghaliaan at bumaba na papuntang jump-off. Mabilis lang kami nakababa at di na rin kami nagtagal. Nag-wash-off lang kami sa ilog at iba naman ay tumawid sa cable wire papuntang caves. Di na rin namin kinayang mag-caving at gahol na sa oras. Nauna na kami nila Albert, Alfie at ako sa pag-uwi. At may pasok pa kami ni Albert kinagabihan. Mga alas-kwatro ay home sweet home na ako.