October 11, 2007

MT. SEMBRANO

Pililia, Rizal (October 10-11, 2007)

I'm back after long time na walang climb. Grabe nanaba na ko ng husto... Haha! Matagal na naming ginawa yung itenerary para sa Mt. Sembrano. Actually marami na yung nagconfirmed kaya lang naudlot dahil sa Geeks Party. So after a week dapat aakyat na kami ni Albert kasama kapatid nya. Kaya lang biglang natakot yung kapatid nya. Umatras... Hehe! Then, the following week sinet na talaga namin. Katext ko si Beto nun. Kaya lang nayaya syang uminom ng ka unit nya. Pero susunod daw sya. We'll let's start the story of Mt. Sembrano where Kamandag Mountaineers was born. Sa lahat ng expected kong sasama ay yung di ko pa expected na makasama. Yun ay si Randy. First time nyang mag hike/climb. We'll expected na mahihirapan sya. Nagkita-kita kami sa Mc Do (Crossing), baba ng Teleperformance. Dumating na si Albert samantalang ka-text ko si Beto at Randy. Sabi ni Randy malalate daw sya. Baka mga 5 PM pa sya dumating. Sabi ko ayus lang kasi antayin pa si Beto. Dumating na si Randy at wala pa rin si Beto. Hindi na rin sumasagot or macontact man lang. Kaya Nag decide na kami na umalis na at gagabihin kami masyado. Alas-otso na nang dumating kami sa Barangay Malaya. E kakilala ng Tito ko ang Barangay Captain doon. Kaya't sinabi ko na may kamag-anak ng Tito ko ang kapitan doon. At nakamenos kami ng P10 sa halip na P20 ang registration. Habang nagreregistered ay di namin alam kung anung reregistered na grupo. Kaya't inilagay na lang namin ay Accenture miski ayokong gamitin ang pangalan ng company namin sa mga climb ko. So pagkatapos magregistered ay nagstart na kaming magtrek. Halos alas-nueve na nun. Hanep ang trail sa Sembrano. Umpisa pa lang ay paahon na. Patag pa lang paahon na... Wala pa naman kaming praktis... Hehe! We'll tuloy pa rin hangang makarating kami sa paanan ng bundok. Syempre the usual thing na ginagawa. Nagpray muna kami. Si Albert na naglead ng prayer. Medyo mabato na ang daan paahon pa rin... hehe! Hingal kaagad kami. Si Albert nanakit kaagad ang likuran. Kaya nagbawas muna ng tubig si Albert then tuloy na kami sa pag-akyat. Halos sa 1/4 pa lang kami ng trail at may mga bahayan pa ay nagkandaligaw-ligaw kami. Sabi ko ok lang may back trail naman. Una ay may napasukan kaming mga bahayan. Kaya tinahak namin ang isa pang daan. Malayo-layo na kami at sabi ni Albert. Mukhang iba daw ang tinatahak naming trail. Kaya't nag back trail ulit kami. Nang may pinasok kami sa isang lugar. Una ay isang pares ng mata lang ang umiilaw. Alam ko ay kalabaw o kambing lang yun. Nang biglang dumami yung mata... Hehe kaya inilawan namin buti na lang puro kambing at kalabaw lang... E halos mag-aalas dose na nun. Sabi ko kay Albert. Pag-alas dose hindi niya pa sure yung daan ay mag-camp na kami at bukas na lang kami umakyat. Pag-patak ng alas dose ay naghanap na kami ng matatayuan ng tent at ubos na rin ang lakas namin kakaikot. Na pitch na namin ang tent at maghahanda na sana kami ng makakain nang may natanaw kaming ilaw na papalapit sa amin. May papa-akyat din na tatlong mountaineers. Tinanong namin kung saan ang daan at di sila nag-atubiling sabihing sumabay na lang kami sa kanila at aantayin nila kami. Kaya't dali-dali kaming nag-ligpit ng tent at sumabay na sa kanila. Habang nasa daan ay iniinda ko na ang gutom. Kaya't pagdating sa Mangahan ay kumain kami ng pangtawid gutom. Sa di inaasahan na napakatarik pala ng assault sa Sembrano. Kaya't sinabi namin na mauna na sila at wala na namang ligaw. Dahil mababagalan lang sila sa amin. Halos mag-aalas dos na nanng dumating kami sa Peak 1. At dumiretso na kami sa Peak 2 at doon kami nag-camp. Kanya-kanyang luto na ng makakain. Pagkatapos kumain ay nagkaron kami ng munting salo-salo. Sila pala ay mga Chopsuey Mountaineers din. As in walang lihitimong grupo. Si NiƱo, Nyok at Von. Mabilis nagkapalagayan ang loob namin. Dahil isa pala sa kanila ay ka-schoolmate ko nung college. At MESAU ang grupo nya kaya pala parang matagal na kaming magkakakilala. Sa kadahilanang di kami nakabili ng maiinom ay mabilis lang naubos ang alak na dala nila. Pagkatapos nun ay nagsipasukan na kami sa tent at natulog. Alas-singko ay nagising na ako. Naramdaman kong gising na rin ang isa sa kanila kaya't bumangon na ako at medyo paliwanag na. Nagluto na kami at kumain at sa akala namin na mag-aassault pa sila sa mismong summit ay hinitay pa namin sila. Pero inde pala. Kaya nang makaalis sila ay nag-assault kami papuntang summit. Iba yung feeling parang napakalaya namin at kami ang hari ng kabundukan. Sarap ng feeling. Maya-maya pa ay bumaba na rin kami at papasikat na si haring araw. Sa amingpagbaba ay mas madali na at maya-maya pa ay nasa Mangahan na kami. Kami ay nagbanlaw sa falls pang-alis ng pagod. Kinain na rin namin ang natirang pagkain kaninang agahan. Nang makapahinga ng kaunti ay nagpatuloy na kami sa paglalakbay. Halos alas-dos na ng hapon nang marating namin ang Barangay. Doon na kami nasipagpaligo at naglinis. At sumakay na kami ng jeep papuntang bayan. Mula sa bayan ay nag-FX na kami nang makapagpahinga. Tulo laway ang mga katabi namin. Then home sweet home na ulit. Until next climb.