Mariveles, Bataan (February 24-25, 2007)
Mt. Mariveles is one of the popular Mountain for climbers. This is one of our major climb. That's why we (AMG) decided to explore it on a day hike. We make the assembly at the Genesis Bus Terminal at Pasy (at the back of SOGO) at around 4 a.m. to 5 a.m. We'll pabor kasi walking distance lang sa akin. Maaga pa lang nandon na ako. Mangilan-ngilan lang kaming nandun. Maya-maya pa ay halos kumpleto na akmi. Si Otep, Froi, At Jenard na lang ang hinihintay. Maya-maya pa ay dumating na rin si Otep. Si Froi at Jenard na lang ang hinihintay. Kinita pa kasi nila yung magiging guide namin. Si James Benito ng MESAU (schoolmate ko pa pala sya). Almost 6 a.m. dumating na sila. Ngunit ang mamalengke pa pala kami. Kaya sinamahan ko sila sa palengke ng Pasay at mas kabisado ko yun. Napagkaisahan na Sinigang na Baboy ang lulutuin namin sa pananghalian. Kaya't nagmadali na kaming namili upang makabalik na sa Terminala at maka-alis na. Almost past 7 a.m. na kami naka-alis mula sa Terminal. Ok naman ang nagi naming byahe. Kabiruan pa nga nila Zaira yung driver at kundoktor ng bus. Tila sila yung tourist guide namin sa byahe. Sad to say napakabagal ng nagi naming byahe. Tila namamasyal lang ang takbo ng aming bus. Kaya't alas-onse na kami nakarating sa may jump-off (Barangay Alas Asin) Nag-register na po kami sa Barangay Hall at doon na rin kami nag-bihis at nag-ayos ng mga gamit. So we started the trek ng tirik na titik yung araw. Wala pa namang masisilungan sa start ng trek. Grabe kada punong madadaanan ay pahinga kami at silong. Halos lahat sa amin ay sanay ng night trek. Di na rin kami nananghalian abi nila sa Papaya River na lang. We'll miski gaano kainit tuloy kami sa lakad hanggang umabot kami sa kubo. Sinalubong kami ng tahol ng aso. Nandon si nanay at kanyang asawa. Muli kaming nag register at nakipagkwentuhan ng kaunti. May tindang buko dun si Nanay pampawi ng uhaw. Kanya-kanyang bili at nang mapawi ang uhaw. Namahinga kami ng konti at start na kami ng trail. Lead si James at Sweeper sila Jenard. Sumabay na rin kami kay James. Hindi ko masabayan ang pacing ni James. Grabe! Hanep sa pacing si James talagang idol. Ang galing din nya kumapa ng daan at maglagay ng trail marks. Doon pa lang ay marami na akong natututnan sa kanya. Ang dami naming take 5 pero siya nakatayo lang at parang bale wala sa kanya.. Naka-day pack lang sya pero ang bigat nung bag nya... Lufet talaga! After an hour medyo kumalam na ang aking sikmura. Sa pag aakalang malapit na at hihinto kami para kumain. Inde pala... So puro jelly ace na lang ang tinira ko. At tubig upang mapawi ang gutom. Dumaan kami sa maraming landslide mahigit sa sampu ang landslide. Meron pa ngang kailangang mong gumamit ng lubid upang makaalpas sa trail. Pero ang sarap kakaibang experience. Halos inabot na ako ng grupo nila Zaira sa trail dahil pabagal ng pabagal ang lakad ko. After walking for almost 3 hours... Medyo nahihilo na ako at nawawalan na ng energy. But, I push myself to the limit. Tinatanong namin kung malapit na ang Papaya para makakain at doon na lang mag decide ang grupo kung aasault or mag camp na sa Papaya. Pero sabi ko yung mga gusto na lang at kaya pa mag-asault. Ako mag pitch na ng tent hehe. Doon ko lang naranasan yung ganong pagod kasi marahil di ako sanay ng day trek at sa gutom na rin. And almost 3 and a half of trekking. We finally reached the Papaya river. Nanginginig ako sa pagod at gutom. Di man lang ako makatulong mag-pitch ng tent. As in naka-upo lang ako at naghahanap ng makakain. Lumusong ako sa ilog para mawala ang pagod. Napaka-lamig ng tubig. Napawi lahat ang aking pagod. At napaka fresh talaga ng tubig na dumadaloy sa Papaya River. Sarap inumin. Ako'y nagtataka kung bakit parang hindi pagod sila BG yung mga nahuli at part ng sweeper. Nanng malam kong kumain pala sila ng pack lunch. Sabi ko kaya pala! hehe! We'll at least I survived hangang Papaya. Nagdalawang-isip tuloy ako kung aasault pa ako kinabukasan. We'll tiganan na lang natin. SO doon na kami nag-camp at nagsimula na magluto ni Jenard ng Sinigang. Siya ang naging cook namin sa akyat na yun. Pinag-isa na lang namin ang tanghalian at hapunan. Pagkatapos magluto ay kumain na kami. Ang sarap ng Sinigang ni Jenard. Sabaw pa lang ulam na. Sarap... Napawi ang lahat sa akin muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko hehe! HAlos lampas na ng alas-siyete ay may narinig kaming paparating. Dalawang mountaineer na sumunod lang sa grupo nila. Sa itaas na ang iba nilang kasama. Huminto lang sila sa Papaya upang kumain din ng hapunna. Inalok namin sila ng pagkain at maya-maya pa ay nag-paalam na sila. Maya-maya pa ay pinapwesto na kami paikot at magsisimula na ang socials. Si Jenard ang nag-tagay. Sa paglalim ng gabi tila hindi inuman ang nagaganap kung hindi isang lecture. Nagkwento si James regarding sa mga experiences nya at mga tamang technic para makasurvive sa bundok. Doon ko natutunan ang tamang pag-inom ng trail water, tamang take 5, at higit sa lahat ay ang pagrespeto sa kalikasan. Maya-maya pa ay paubos na ang aming maiinom at kwentuhan na lang ang naiwan. At unti-unti na rin nauubusan ng kwento kaya decide na lights-out na kami at maaga pa kami aasault. Alas-kwatro nang gumising kami... Iminom ng pampainit ng sikmura at nanginain ng konti. Nagpaiwan na lang si Otep sa camp. Mahamog pa nun. Kaya ready na ang headlamp at dala lang namin ay trail food and water. Syempre si James ulit ang lead. Sumabay na ako sa lead. Nakuha ko agad ang pacing ko. Kada patag ay take 5 ako. As in take 5 lang... 5 inhale-exhale. Kaya mabilis kami. Nung una ay nakakasabay pa si Robert. Nang pagdating sa halos 90 degrees na yung kailangang kumapit ka na ugat at bato ay di na rin nya kinaya... Kaya talo na lang kaming nanguna. Sa wakas grassland na. Narating na namin yung camp site sa Peak. May mga na meet kaming ibang mountaineers. Dun namin inantay ang iba upang ia-assault ang Summit. Mahamog pa at napaka-lakas ng hangin. More or less 15 mins din ang trek going to the summit. Kaya go na kami... Malalaking bato ang daan at matataas na talahib. Sa wakas naabot din namin ang Summit. Maliit lang ang Summit. Nakakabadtrip lang ay may nakita kaming mga kalat na pinagkainan ng ibang mountaineers. Kaya nag decide kami na linisin na rin ang taas. Isang plastic bag din ang naipon kong basura.Then bumaba na kami. Nang malapit na sa ilog. Tila di ko napansin yung maliit na agos ng tubig. E mag-isa na lang ako. Kaya nag-back trail ako. Nakasalubong ko si Noel at sabi nya sa akin ay tama raw ang daan ko. Sa wakas Camp site na namin. Sa Papaya River naligo kami muli at dun na rin kami nananghalian. May mga nauan sa aming mountaineer na putok ang ulo. Kasi ba naman dumive sa Papaya e ang lalaki ng bato dun at di naman kalaliman. Tsk.. Tsk... After lunch bumaba na kami. Mas mabilis at kabisado na namin ang trail. Sa aming pagbaba ay malalayo na rin ang aming lagtaw. mag-isa na alng ako nang maabot ko ang grassland. Sa marahil na may kasabay kami sa pagbaba. Nasabihan ako sa shortcut na daan. Kaya't hinitay ko muna ang susunod na grupo namin. Grupo nila Zaira at Ryan na naman ang makakasabay ko. Maya-maya pa ay may nadaanan na kaming nagtitinda ng buko. Syempre inom na naman pambawas uhaw. At trek ulit. Nang marating namin ang kubo ay may tinda ulit na buko. Inom na naman ulit. Ay sarap... Tinahak na namin ang trail papalabas at narating na namin ang Hi-way. Doon na namin hinantay ang iba. Nandon na sila James, Robert at iba pa. Dumating sila ang grupo ng sweeper sila Froi at Jenard. Napansin naming wala pa ang grupo nila John at Sophi. Kaya nag decide si Jenard na balikan sila. Kinuha nya ang pang-assault na bag at nilagay ang trail water at tsokolate. Nag-madali syang bumalik upang hanapin ang dalawa. Makalipas ang 15 minuto ay dumating na sila. Ang aming pinagtataka ay wala man lang sa kanilang nakakitang ibang kasabay naming mountaineers. Marahil nabagtas nila ang ibang trail. We'll the point is sa wakas kumpleto kaming nakababa at walang nangyaring masama. Bumalik kami sa Brgy. Hall upang mag-ayos at nag-abang ng sasakyan pauwi. Sa wakas home sweet home na ulit.




