Lipa, Batangas (January 20-21, 2007)
Nag-meet kami sa Jollibee Alabang. Same thing almost 5 PM na kami nakumpleto. Then sakay na kami ng bus going to Batangas. So As usual Night Trek again sa Maculot. Ang dami namin 20-30 plus yata kami. Sabi ko masaya to and exciting. We'll the usual trekking namin yung paakyat ng camp site. Nabitin nga ako kasi kala ko mahaba. Maigsi lang pala. Ang maganda nun maaga-aga kami nakarating ng camp site. May 7-Eleven sa tutok. At first na amaze ako, pero later part napansin ko madumi ang paligid ng camp site and na-realize ko na di na prepreserve yung ganda ng bundok. Back to the story... Syempre socials. Kwentuhan about sa Maculot. Meron palang namatay sa Maculot. Nahulog sa bangin sa di malamng dahilan. May kanya-kanyang kwento kasi ang kada bundok. After a while nagsipasukan na sa tent yung iba. Mangilan-ngilan na lamang kaming natira. Tas nagbanlaw pa kami ni Otep ng Red Horse. Nakipag-kwentuhan kay Kuya. Kung pano nila dinasala yung mga paninda nila and matulog doon. Yung may tindahan sa taas kasama sila Otep, Ryan, lyne and may dalawa pang kasama e. Di ko lang maalala... At around or past 12 MN natulog na kami. Gising kami ng maaga para pumunta sa Rockies. Overwhelming ang view. Tanaw ang Taal volcano and mountains that sorrounds it. Then punta kami sa kabila yung mismong Summit. Makikita pala bago dumating sa Rockies yung isang lapida na nagpapaalala kay Maricris(just ask fellow mountaineers bout her story...). And meron pang isa na parang historical thing. Di ko lang matandaan hehe! Picture taking galore sa Summit at Rockies. Mula sa tuktok kita yung trail papuntang camp site. Nang tumirik na si Haring Araw nagbalikan na kami sa camp upang kumain. Nang magutom ulit kumain pa kami ng halo-halo kay Kuya. Biruin mo sa tuktok ng bundok may halo-halo. Nagtanong-tanong kung gaano kahirap ang trail pabalik. At maya-maya pa ay nag decide na ang grupong bumaba. Binagtas namin yung isang daan miski walang nakakaalam kung ano ang lusot nito. Sa madaling salita Traverse ang ginawa namin. Naghanda na lamang ako ng 1 gatorade na tubig para pang trail water. Sa akala kong maigsi na lang tatahakin naming daan. Katulad ng paakyat. Pero may isa pa akong litro sa aking bag. Pang reserba ba... Sa aming pag-aakala na maigsi na lang ang pababa. Hindi pala. Dahil pabaligtad ang ginawa naming pag-akyat kagabi. umakyat kami dun sa babaan at bumaba kami sa akyatan... Hay ang gulo... hehe! So tinahak namin yung isang daan na walang nakakaalam sa amin. Risky pero may nakausap naman kaming dun nang galing. Masukal ang daan at halos puro matinik na puno at damo ang madaraanan. Kaya ang dami kong salubsob at galos. Ayus lang kasama yan sa pag-akyat. Masaya ang trekking at sa habang paglalakad isa isa nang nababawasan ang dala naming tubig. Nahati na rin sa tatlong pangkat ang aming grupo. Sa unang grupo sila Sir Mike, BG, Froi at iba pa. Sa pangalawang grupo kami nila (Ako, Lyne, Otep, Enteng at Jaja). at sa Pangatlong grupo ay sila Sir Roy, Noel at iba pa. First time ni Jaja yun. Kaya todo alalay kami. Ang masama pa nito may katindihan pa naman ang trail na yun. May sobrang tarik at madulas ang lupa. May instance pa ngang umiyak si Jaja e. At nanginginig kaya pilit na lang namin syang pakalmahin. Pero sige patuloy sa pagbaba. Sa aming pagbaba aakyat pa pala ng isang bundok bago baba. Halos akyat-baba, akyat-baba ang ginawa namin. May trail pa nga na kailangan mo pang-mag rapel sa almost 90 degrees na trail of rocks. Na pag-nahulog ka ay siguradong may bali ka or putok ang ulo mo dahil sa mga malalaking bato. Kaya ako'y nauna na at sumunod si Jaja upang bigyan syan ng guide kung san tatapak at tamang diskarte. Tila maiiyak na naman si Jaja kaya sinabi kong "Walang iiyak!". Sa kadahilanang kapag umiyak sya ay manginginig na naman sya at mawawalan ng contro l ang hawak nya sa lubid. Pero bilib ako at buong tapang syang nakababa. Sa totoo lang ay hinhintay ko na lang siyang mahulog at gumulong upang masalo ko sa baba. Buti na lang hindi nang yari. Doon kami halos nag-kanda hati-hati sa tatlong grupo. Malayo ang pagitan. Sa aming daanan halos lahat pala sa amin ay may nakapansin na Itim na Puno sa kalayuan. Ang iba ay napansin at walang inisip kundi makababa na lang. Ngunit si Lyne pala ay may nararamdaman na. Meron daw sa aming sumusnod na matanda at isang bata na doon nakatira sa Itim na Puno. Meron pala syang Third-Eye. Nang mapansin ko na di na sya mapakali at pinapalo ang patpat sa lupa at tila may tinataboy. Pabulong kong tinanong kung anu yun. Ang sabi nya sa akin ay bilisan na lang daw namin bumaba. Di na ko nag-usisa at tumatayo na rin ang balahibo ko. Nangunguna na si Enteng sa aming grupo at kasunod si Jaja. Ako ang sumunod at hinawakan ko na sa kamay si Lyne upang miski paano ay kumalma at maisip nya na may kasama sya at di namin sya iiwan. Pinapwesto ko si Otep sa likod upang mas ma-feel nya na secure sya. Pumito ako upang marinig ako nila Bg at intayoin kami. Ngunit malayo na ang pagitan nila at di na marahil narinig ang pito ko. Halos mag aalas-sais na. At sabi nila tuwing alas sais daw talaga lumalabas ang mga bagay na di natin nakikita. Yan din ang kasabihan ng matatanda. Akala ko noon kasabihan lang ang mga ito. ngunit may katunayan. Binilisan na namin ang pagbaba. Sa wakas pababa na ang nakikita kong trail. At naririnig ko na ang sipol ng pito ni BG or Froi. Kampante na ako. Pag dating namin sa dulo ng pababang trail nakita namin ang isang grotto. Doon namin inantay ang isa pang grupo. Pagod na ang lahat kaya nagpahinga sila at naupo habang inaantay ang iba. Bumababa na si Haring Araw nang makita namin ang mga ilaw na pababa. Halos mahigit 15 minuto ang pagitan namin sa huling grupo. Nagpasya kami ni Froi na salubungin na ang isang grupo upang mapabilis at bitbitin ang iba nilang gamit. Sinuot na namin ang aming head lamp. At kumaripas ng takbo upang salubungin nang medyo lumalayo na si Froi naalala ko ang nakita ni Lyne. Kaya tinawag ko si Froi at sinabi kong antayin ako at medyo hinihingal na ako. Pero sa katotohanan ay baka makita ko rin ang kanyang nakikita. Hehe! Sa wakas nakita na namin sila. Kinuha namin ang dala ng ibang babae upang mapabilis ang pagbaba. Pagdating sa Grotto bahagya namin silang pinagpahinga at sinabi ni Sir Roy na tara na dahil gumagabi na. Sa aming pagbaba ay may mga mga baytang na ng batong hagdan. Sa kadahilanang ito ay ginawan ng Station of the Cross papuntang Grotto upang akyatin tuwing Mahal na Araw. Sa gitna na kami at inaalalayan ko pa rin si Lyne hangang makababa sa Hagdang Bato. Pagkababa ay kumapit na muli ng mahigpit si Lyne sa aking kamay at pabulong ko ulit syang tinanong. Nakita nya raw yung bata sa ibaba. Kaya't nagmadali na kami at nang marating namin ang kalsada ay halos alas-syete na ng gabi. Di na kami nakiligo nag ayos na lang kami ng aming sarili at upang maka-wi na at may pasok pa kinabukasan. Ang sarap na experience. Di tumatak sa akin kung ano ang nakikita ni Lyne, bagkus ang nakita ko nang nasa Rockies at Summit ako. Hindi ang kababalaghang naranasan, bagkus ang pagpapahalaga sa Inang Kalikasan. Ang mga naransan namin at nakalapa na kwento ay tila mga mahiwaga ngunit mas mhiwaga ang Bundok na aming inakyat.




