November 19, 2006

BUNTOT PALOS

Pangil, Laguna (November 18-19, 2006)
Butot Palos was not really a mountain. Instead it was a hidden falls inside the mountain of Laguna. Nag-antayan kami sa ADEC La Fuerza. First time namin halos puro BTS ang kasama. Bale kami pala ang lead ni Froi dito. First time ko mag-lead ng grupo. Halos puro BTS kami except kay Brian yung BF ni Iris and Mau yung GF ni John. As usual night trek. Todo kapa sa trail and sad to say inulan kami. As in ulan kaya may mga baha kaming dinadaanan. E kulay orange pa naman ang lupa at dagdag pa yung tae ng kabayo hehe... Kaya kakadiri. Dami pa naman naming kasamang babae. Pero Hail ako sa kanila kasi they survive everything. Ang alam ko 2 hours or less lang ang trail pero inabot kami ng almost 5 hours. May instance pa nga na talagang sobrang lalim nung baha hangang tuhod. Pilit naming hunmanap ng daan na mababa yung baha pero talagang wala. Kaya ako na yung nanguna para makatawid na kami. Dun kami nagtagal kaya inabot kami ng 5 hours. Sayang nga lang di namin na picturan. As in muddy climb to hehe... May instance pa nga na kailangang bugawin ng flashlight yung mga paniki sa puno upang makadaan kami. Dun ko naransan yung walang babaan ng bag kasi madudumihan. Biruin mo almost 5 hours. Ouch sakit ng balikat ko pagkatapos. Umaga na rin nang dumating kami sa kubo. Buti na lang walang ibang umakyat. Di na kami nag pitch ng tent. Sa kubo na kami nagpahinga. Grabe mga lamok dun. Mga giant at ang sasakit pa mangagat. Ang maganda dun may kubeta, as in inidoro hehe! Pahinga lang kami. Yung iba natulog habang nagluluto kami ng makakain. Iba't-ibang luto dahil pagod na. Di na namin nagalaw yung dalang alak pinang-lahok na lang namin sa pagkain. hehe! Nilasing na Maling. Haha! As usual sa bundok lang matitikman yung pinakamasarap na pagkain. Kasi lahat gutom at pagod. Umidlip lang kami ng konti tas umaga na. Anu ba pinunta namin?! Syempre yung view. Kaya pumunta na kami sa hidden falls. Almost 90 degrees din yung babain kaya gapang. Hawak sa mga ugat at bato. Pero xempre todo picture hehe!. May part pa na kailangang humawak sa lubid para bumaba. Pero great experience kasi ibang trail. And finally sa falls na kami. Kaya lang si Harold nag Dare Devil dumaan dun sa di dapat babaan. E ang lakas pa naman nung current. Pag tinangay ka di mo na alam kung san ka papadpadin. Kasi parang kweba pababa yung dinadaanan nung tubig. Mabuti na lang safe na nakarating sa falls. Dun kami nagpawi ng pagod. Lamig ng tubig at dahil umulan ang lakas ng falls. Halos umabot ang ampyas sa paanan ng ilog. Kaya di sila naglabas ng kanya kanya nilang camera at cellphone. Ako syempre miski mabasa ang cellphone makakuha lang ng moments hehe! Nag momoist na nga yung screen ng cellphone ko ayus lang. Kaya mahal na mahal ko yung Nokia 3230 ko e... Si Joseph ang lupet nanguha pa ng suso sa tabi nung falls. Hehe lulutuin nya raw pagdating sa kubo. Nilasing nya rin ewan ko kung nakain nya? Hehe! What I figure lang na kada bundok meron talagang nangangalaga. Kasi nung kami na lang ni BG sa gitna ng falls. Nag picturan kami may picture pa nga kami na naka-brief lang e. hehe! Well back to the story... Nagyabang ako na parang hinahamon yung falls na lumakas pa. Putcha lumakas nga yung bagsak ng tubig at humingi na lang ako ng paumanhin. Kaya decide na kami bumalik ng kubo upang mananghalian at nang makababa na. Habang nagluluto kami ang iba naman ang bumaba sa falls. What a great experience. Then we decided to go down na. Pero parang blessings talaga kasi pag baba namin may nasilayan pa kami na rainbow. And ang nakakatuwa dito ay may mga nagtrotroso na may dalang isang making log na pasan nya sa balikat nya pero inuunahan pakami sa pagbaba. Na para bang napakadali lang sa kanya. Samantalang kami ay hirap na hirap na sa aming mga dala-dala. Ang nakakalungkot n aparte hangang kailan kaya sila merong makukuhang puno sa bundok na ito. Sa isang resort na lang kami nagbanlaw at nagbihis. Sa sasakyan dun halos lahat kami tulog hehe... Pero may nabangit sa akin si Iris nung kinabukasan meron pala syang nakitang itim na mama na pula yung mata. Remember yung nangbugaw ako ng mga paniki bago kami umangat? Buti na lang di ako nakakakita... Hehe! kung inde baka nag back trail na. Kaya nga kada aakyat kami sinasabi ko bago umakyat. Kung anu man ang makita o marinig nyo wag nyo pansinin. Pag baba na lang natin pag-usapan. Kasi may mga bagay tayong di nakikita pero nag-eexist pala. We'll in the end it was a great experience and happy climb.