September 04, 2006

MT. GULUGOD BABOY

Anilao, Batangas (September 2-3, 2006)
This is my first time to join ADEC MOUNTAINEERS. Tagal ko na gusto i-try mag climb kaya lang nung college mas priority ko ang studies. And kulang sa budget nung nasa college pa e... We’ll let start the my escapade. It was September 2, 2006. What I remember when we climb Mt. Gulugod Baboy. Assembly time is 3 o’clock in the afternoon sa ADEC La Fuerza. We rented 2 jeepneys to accommodate 50 plus person. Shit ang dami… Almost 5 PM na rin kami nakaalis ng La Fuerza. So gabi na talaga. First time ko tas night trek pa… hehe! As always kasi nighty trek talaga ang climb namin due to 24/7 work kasi. As we go to on to our way kada stop-over picture picture and kulitan hehe… Sad to say nagkanda ligaw-ligaw yung jeep namin. We reached the jump-off at around 2:30 AM na kami(Thanks kay Froi sa Feed). As in gabi na kami dumating sa jump off. We started fixin’ ourselves. Tinakda na yung mag lead and mag sweeper. One of us lead the player before we started the trekking. What I remember is dumaan kami sa mga bahayan. And sad to say naligaw na naman kami. Di namin mahanap yung pa assault. Hinahanap naming yung tindahan then sa tapat nun yung paakyat na ng bundok. Kinailangan pang tawagan sa celepono yung nakakaalam para malaman naming yung start ng trekking going up. Finally we started the assault sa dami namin ang bagal umusad ng linya paakyat. And dami namin pahinga as in. As the usual trekking namamali ng daan at kailangang mag back trail. Napadpad kami sa dead end. Isang malaking bato at kailangan pang tawirin ang bato upang makatawid sa kabila. Kaya dalawa sa amin ang sumubok upang humanap ng daan ngunit wala talagang daan. Akala tuloy namin ay uuwi kaming luhaan at di makaka Summit. Dalawa muli sa amin ang nag back trail upang hanapin ang daan. Makalipas ang ilang minuto nahanap na ang daan. Sa pangalawang pagpapahinga tila ang bagal at mahina ang loob ng naglealead. Kaya miski first time ko at naiinip na rin ako. Nanguna na ako papaakyat at kasama ang iba. Mga 5 oras yata namin inakyat ang Gulugod di dahil sa taas nito ngunit dahil sa ligaw. Alas kwatro na kami dumating sa Summit kaya wala nang nag pitch ng tent. Nagluto na lang kami upang mapunan ang kumakalam naming mga tiyan. Pero sulit naman dahil napakaganda ng tuktok. Inabot namin ang bukang liwayway. Salamat sa wakas. Ang nakakainsulto lang dito ay may makikita kang baka sa tuktok ng bundok… Hehe! Tila di sila hirap miski malaki ang kanilang pangangatawan. Halos alas-nueve na nang kami ay bumaba. Sa aming pagbaba mababanaag na ang mga bangin at daan na aming binagtas. May pagkakataon pa nga na kailangan kong umalalay dahil bangin na ang babagtasin pagkatapos ng matarik na parte ng bundok. Dito ko natutunan na di masamang umalalay miski kaya ng isang tao, dahil sa isang maling apak mo buhay mo ang katapat. Pagdating sa paanan ng bundok naghihintay sa amin ang karagatan Anilao, Batangas. Doon na kami nagsipagpaligo at nananghalian. Mabato ang dagat kaya’y may mga nasugatan sa talampakan. Ang mga sugat na naiwan sa aming mga paanan ay sa likod nito ay tatak ng kasiyahan at samahan. Mag-aalas tres na ng umalis kami sa resort dala ang mga saya sa aming mga labi. Bakas ang pagod at antok sa bawat isa. Nag stop-over pa kami sa Tagaytay upang kumain. Gabi na nang makabalik kami sa La Fueza. Uwian na at kinabukasan may pasok na naman.